Thursday, April 21, 2005

sulat ni ama

Anak,

Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal ka ring magbasa.
Nandito na kami sa Estados Unidos para bantayan ang bagong biling bahay ng
kapatid mo.Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng
dating nakatira ang address para daw hindi na sila magpalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa
linggong ito,tatlong araw noong una
at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo dahil
ayaw bumula. Nakasulat kasi "FOR DRY HAIR" kaya hindi ko binabasa ang buhok
ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng
padlock. Nakasulat kasi ay "YALE", eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay
hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala
nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng "YALE", wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan
mo. Ipinadala ko na sa iyo sa "Federal Express" medyo mahal daw dahil
mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga
butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na
lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na
pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung
ipagkakalat ko pa.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na
tao sa ilalim niya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey
naman ang kita above minimum ang sahod.

Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae o
lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.
Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.

Love,
Papa

p.s. Maglalagay sana ako ng pera, kaya lang ay naisara ko na ang envelope.
Next time na lang ha