Thursday, April 21, 2005

Mga Turo ni Tatay at Nanay

Tandang Tanda Namin Ni Kuya Ang Saya At Lumbay Sa Poder Nila Inay At
Itay... Lalo Na Ang Mga Magagandang Lessons Na Natutunan Namin Sa
Kanila!

Si Inay, tinuruan niya ako ng HOW TO APPRECIATE A JOB WELL DONE.
"Kung kayong dalawa ay magpapatayan, doon kayo sa labas. Mga punyeta
kayo, kalilinis ko lang ng bahay."

Natuto ako ng RELIGION kay Itay.
"Kapag yang mantsa di natanggal sa carpet, magdasal ka na!"

Si Itay, tinuruan niya kami ni Kuya kung anong ibig sabihin ng TIME
TRAVEL.
"Kung di kayo tumigil ng pagngangawa diyan, tatadyakan ko kayo ng
todo hanggang umabot kayo sa isang linggo!"

Kay Inay ako natuto ng LOGIC.
"Kaya ganyan, dahil sinabi ko."

Kay Inay din ako natuto ng MORE LOGIC.
"Kapag ikaw ay nalaglag diyan sa bubong, ako lang mag-isa ang
manonood ng sine."

Si Inay naman ang nagturo sa akin kung ano ang ibig sahibin ng IRONY. "Sige ngumalngal ka, kung di bibigyan talaga kita ng iiyakan mo!"

Si Inay ang nagpaliwanag sa akin kung ano ang CONTORTIONISM.
"Tignan mo nga yan dumi sa likod ng leeg mo, tignan mo?!?"

Si Itay ang nagpaliwanag sa akin kung anong ibig sabihin ng STAMINA.
"Wag kang tatayo diyan hangga't di mo natatapos kainin lahat yan
gulay mo!"

At si Inay ang nagturo sa amin kung anong ibig sabihin ng BAD
WEATHER.
"Alangya, ano ba itong kuwarto nyong magkapatid, parang dinaanan ng
bagyo!"

CIRCLE OF LIFE, ang paliwanag sa akin ni Inay ay ganito:
"Malandi kang bata ka, iniluwal kita sa mundong ito, maari rin kitang alisin sa mundong ito."

Kay Itay ako natuto kung ano ang BEHAVIOR MODIFICATION.
"Tatadyakan kita diyan, huwag ka ngang maguumarte diyan na parang
Nanay mo!"

Si Inay naman ang nagpaliwanag sa amin kung anong ibig sabihin ng
GRATITUDE.
"Mga leche kayo, maraming mga batang ulila sa magulang, di ba kayo
nagpapasalamat at mayroon kayong magulang na tulad namin?!"

Si Itay naman ang nagturo sa akin ng ANTICIPATION.
"Tangna kang bata ka, hintayin mong makarating tayo sa bahay...."!

Si Inay naman ang nagturo sa aking kung ano ang HUMOR.
"Kapag naputol yang mga paa mo ng pinaglalaruan mong lawn mover, wag
na wag kang tatakbo sa akin at lulumpohin kita!"

Si Inay ang nagturo sa akin kung anong ibig sabihin ng
GENETICS. "Nagmana ka nga talaga sa ama mong walanghiya."

Kay Inay din ako natuto ng WISDOM.
"Pag umabot ka na ng edad ko, saka mo pa lang maiintindihan ang
lahat."

At ang paborito ko sa lahat na natutunan ko kay Inay at Itay ay kung
ano ang JUSTICE.
"Isang araw magkakaroon ka rin ng anak, panalangin namin na sana'y
matulad sila sa yo...haliparot!"