This is really funny! Be sure to pass it on to friends whose
U.S. immigration status is suspect...... Below is the story and experience
of "Dan the Bicol Man" when he went to the United States... Dan the Bicol
Man.
Si Dan, taga Bicol: Dumating si Dan sa Amerika sa tulong ng kanyang
Kumpare na may kontak sa immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles
niya kaya masyado siyang maingat (TNT baga). Ayaw man lang lumabas ng bahay
si Dan kung hindi kasama ang kanyang kumpare. E minsan, nagsawa na ang
kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya. "Pareng Dan," sabi ng kumpareng
tinatago ang inis, "Heto ang susi ng kotse at mga credit cards ko.
Magshopping ka naman sa Mall para malibang ka." "Kung may problema ka,
tawagan mo ako sa telepono. Papasok na ako sa opisina." Dahil siguro sa hiya
ni Dan, kahit nerbiyos na nerbiyos siya, sinubukan niyang lumabas.
Tuwang-tuwa si Dan sa pamamasyal sa mall. Nakapili siya ng mga damit na
gusto niya. Ngunit pagdating sa cashier,biglang nataranta at natakot si Dan.
Tanong ng cashier, "Visa or Master Card?" Haripas si Dan palabas dahit sa
takot! "Aba, hinahanap ang visa ko!? Baka nabisto na ako! Syet!" Sakay
kaagad siya sa kanyang kotse. Harurot. Kaso, halos wala ng gas ang sasakyan
kaya huminto siya sa isang gas station. Nang maglalagay na siya ng gas,
biglang nagsalita ang cashier sa speaker, "Sir, pay first, please." "Naku,
patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!" Nagtatakbo si Dan sa mga
eski-eskinita hanggang makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang
lumapit sa payphone. "(Hingal) Kailangang matawagan ... ko si kumpare...para
masundo niya ako rito (hingal)." Pagtaas niya ng handle ng telepono, narinig
niya, "AT&T how can I help you?" Aba, anak ng putakteh, alam na TNT ako!
Buking na ako!" Pagbaba niya ng telepono, may Amerikanong nakatayo sa likod
niya, tanong ba naman, "Are you done?" Napahandusay si Dan sa phone booth.
Biglang bulalas, "Buray kan ina!, alam pa ang pangalan ko!" Nagulat ang
tisoy, "Hey, be cool, man!" "Naku! Alam pa kung taga saan ako!" "Is that
your green car parked in the red zone?" Hihimatayin na si Dan! "Hinahanapan
pa ako ng green card"!!!!! Kaya sa matinding takot, nagpahuli na lang si
Dan. Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan na "Dan Balikbayan."