Thursday, March 03, 2005

PINOY LESSONS IN LINGUISTICS!!!

1. Noong 1940's, kapag may bra ang babae, pinagbubulungan na at
mababansagang malandi. Noon din ay may French perfume na ang tatak ay
Eclat (silent T). Kaya ang taong maarte ay tinawag ng mga Pinoy na
Eclat (pronounce the T). Ngayon kapag maraming tsetseburetse at kaartehan
ganon din ang tawag, "Ang dami mo namang eklat." Kinalaunan,
pinaikli pa ang eklat at naging ek-ek- "Ang tagal mo
namang magdesisyon kung sasama ka o hindi! Ang dami mong ek-ek!"

2. Noong elementary ako, uso pa ang Wakasan, sinusubaybayan ko
ang nobelang Tubig at Langis; ang Movie Especial na komiks kung saan
kapanapanabik ang bawat eksena sa buhay ni Zuma na siya namang ama ni
Galema. Sa komiks ang tawag sa babaeng nagbebenta ng panandaliang aliw
ay baylerina. Kinalaunan, naging belyas, tapos naging English,
hospitality girls tapos ngayon GRO.

3. Elementary ako nang makagisnan ko ang batiang "Give Me Five".
Masyado yatang pormal ang handshake kaya "Give me Five, Man" ang
pumalit. Tuwang-tuwa ang mga magulang kapag natutunan ng kanilang
anak na paslit ang mag-give me five. Tapos sa mga American games,
naging High Five o "Give me five, up here!" Hindi pahuhuli ang Pinoy
basta galing sa America. Ang "Give me five, up here" ay naging "Appear".
Halos lahat yata ng Pinoy babies ganito ang series of training, "Anak, where is the light; where is the moon?" Ang nadagdag, "Appear! Appear!" At dahil sa E.T. ni Speilberg, "Align, Align!" Again, Tuwang-tuwa ang mga magulang.

4. Nang mag- Community Medicine ako noon sa isang slum area ng
Sta. Ana, Manila. Ito ang top 3 gamit na hindi mawawala sa mga bahay,
gaano mang kaliit ang barung-barong:
1. Panyong may tatak na panalangin ng El Shaddai
2. Television
3. Karaoke.
Kakambal na ng Pinoy ang pagkanta. Noon, kapag nagkakantahan, gamit
ay gitara at song hits (Jingle). Napalitan ito nang 70's-80's ng
minus one. Tapos, karaoke. Ngayon, videoke, at sa huling talaan ng pagkakaalam
ko, 8 na ang namamatay sa "My Way". Naalala ko noong elementary pa
ko, nagtayo ang kuya ko at ng kanyang mga kaibigan ng isang Combo.
Ngayon, ang tawag sa singing group ay-- Band, hindi na Combo at ang
Combo ngayon ay tumutukoy sa Jollibee o McDonald's promo.

5. Sa PGH, may tinatawag na Central Block. Nandoon ang Radiology
Department kung saan ginagawa ang mga X-rays, Ultrasound, CT Scan at
Radiotherapy. Dito ko naobserbahan ang evolution ng mga pinoy medical terms. May
mga pasyente o bantay na aking nasasalubong, ang madalas magtanong ng
direksyon.

Mga Versions ng CT Scan: (Ganon na rin yon, no!)
1. "Dok saan po ba ang Siete Scan?"
2. "Doc saan po ba magpapa-CT Skull"
3. "Doc saan po ba CT Scalp"
4. "Doc saan po ang CT Scam?"
Madalas akong mapagtanungan ng direction papunta sa Cobalt Room. "Doc
saan po ba ang Cobal" Yes, laging walang T, marami na ang ginagamit na term
ay Cobal. Saan napunta ang "T". Marami din kasing
nagtatanong, "Doc, saan po ba ang papuntang X-Tray?" Conclusion:
Ang "T" ng Cobalt, ay napunta sa X-Tray. 7:00 am. Nagbigay ang kasamahan kong doktor ng instruction sa bantay ng pasyente, "Mister, punta po kayo sa Central Block at magpa-schedule kayo ng X-ray ng pasyente ninyo."
3:00 pm. Kadarating lang ng bantay. Nagalit na ang doktor, "Mister,
bakit namang napakatagal ninyong bumalik? Pina-schedule ko lang naman ang
X-ray ah." Sumagot ang bantay, "Eh kasi po Doc, ang tagal kong naghintay sa
gate, haggang sabihin ng guwardiya na sarado daw po ang Central Bank
kasi Sabado ngayon." (Nasa Roxas Blvd ang Bangko Sentral ng Pilipinas, at
sarado nga naman yon kapag Sabado,( hihihihihi)

6. Nang mag-rotate ako as intern sa Pediatrics ng PGH, mahal na mahal
talaga ng mga nanay ang kanilang mga anak na may sakit. Pilit nilang
tinatandaan ang mga gamot at tawag sa sakit ng kanilang anak.
Doktor: "Mrs. ano po ang mga gamot na iniinom ng anak niyo?"
Mrs 1: "Doc phenobarbiedoll po."
Doktor: "Ah baka po phenobarbital." (Gamot sa convulsion ang
phenobarbital)

Doktor: "Mrs. ano po ba ang antibiotic na iniinom ng anak ninyo?"
Mrs 2: "Doc metromanilazole po."
Doktor: "Ah baka po metronidazole." (Gamot sa amoeba ang
metronidazole)

Ang tawag sa recovery room ng PGH ay PACU (Post-Anesthesia Care Unit)
Doktor: "Mrs., tapos na po ang operasyong ng anak ninyo, punta na po
kayo sa PACU.
Mrs 3: "Eh Doc, saan po sa Paco? Sa may simbahan po ba o sa may
palengke?

Doktor: "Mrs. ano po ba ang sinabi ng dating doktor kung ano daw ang
sakit ng inyong anak?"
Mrs 4: "Eh Doc sabi po niya Tragedy of Fallot.
Doktor: "Ah baka po Tetralogy of Fallot (Isang congenital Heart
Disease ang Tetralogy of Fallot)

Biglang nagtatarang ang isang nanay at sumigaw.
Mrs. 5: "Scissors! Scissors! Nag-sciscissors ang anak ko, Doc!"
Doktor: "Nurse, diazepam please, nag-seizure ang
pasyente!

Doktor: "Mrs. ano daw po ba ang sakit ng anak ninyo?"
Mrs. 6: May ketong daw po.
In-examine ng doktor ang balat ng pasyente. Wala siyang makitang
senyales ng ketong. Tumawag pa siya ng isang dermatologist para
mag-examine nang husto. Wala talaga.
Doktor: "Mrs. sigurado po ba kayong ketong ang sakit ng
bata?"
Mrs 6: "Eh iyon po ang sabi ng doktor niya dati.
Mataas daw po ang ketong sa ihi dahil may diabetes."
Doktor: "Ah ketone po yon! (Ang positive ketone sa ihi ay senyales ng
kumplikasyon ng diabetes.)

Doktor: (Sa buntis na mrs. na nagle-labor) "Mrs. pumutok na po ba ang
panubigan mo?"
Mrs 7: "Eh Doc, wala naman po akong narinig na pagsabog. " (Hanep!)