Wednesday, May 04, 2005

Tawa na diyan

NAKATIPID

Takbong pumasok ng bahay si Mario.
Pagud na pagod, pero masayang-masaya.
Nagmamayabang pa sa ina.
"Nanay! Nanay! Nakatipid ako ng uno singkwenta."
"Nakatipid? Paano?" tanong ng nanay.
"Aba'y 'di ako sumakay ng dyip.
Sumabay lang ako ng takbo.
Kaya't nakatipid ako ng one-fifty!"
"Bobo ka pala, eh. Kung taxi ang sinabayan mo,
'Di mas malaki ang natipid mo!"

Agaw-Buhay

Nakaupo sa tabi ng kanyang asawang agaw-buhay si Juan.
Hawak hawak niya ang kamay nito at nararamdaman ni Juan
na hindi na magtatagal at babawian na ng buhay ang kanyang asawa.

"Juan, bago ako mamatay, mayroon akong gustong ipagtapat
sa iyo."

"Mahal, huwag ka ng magsalita at makakasama pa sa iyo."

"Pero Juan, kailangan talagang malaman mo na........"

"Sssshhhh, kung ano man iyon ay hindi na mahalaga, ang importante ay
nasa tabi mo ako sa huling sandali mo rito sa mundo."

"Juan, nais kong ipagtapat sa iyo na pinag-taksilan kita
sana ay patawarin mo ako."

"Alam ko iyon, kaya nga kita NILASON."

LOVE

Lovelines through the years
1950s -- Iniirog kita.
1960s -- Iniibig kita.
1970s -- Minamahal kita.
1980s -- I love you.
1990s -- Tara sa kwarto.
2000s -- Pwede na rito.

GIRL'S PRAYER

Dasal naman ng mga babae:
Sa edad na 20 - "Lord, I want the best man."
Sa edad na 25 - "Lord, I want a good man."
Sa edad na 30 - "Lord, I want any man."
Sa edad na 40 - "Lord, please naman..."

In the Old Navy (U.S. Navy), a steward is serving
coffee to Officers in the wardroom:

Coffee Sir?
Sanka . . . .
Tuguigarao Sir


SINAMPAL

Wife sinampal ang asawa.
Wife: Sino si Jasmine sa panaginip mo?
Husband: Yung kabayong bet ko sa karera!
NEXT DAY...sinampal ulit.
Husband: baket?
Wife: Tumawag ang kabayo mo!

MAGANDA
Mare 1: Naku mare, ang gaganda ng mga anak mo!
Mare 2: Talaga, mare! Hay naku kung asawa ko lang ang inasahan ko
hindi sana mangyayari yan!

MULAN
Know the movie "MULAN?"
Part four na yon!
First episode nun "Mulog," then "Midlat," Tapos "Mambon,"
saka palang....
"Mulan" Coming soon na ang "Magyo,"

Next ang "Maha," finally "Maraw".

ADIK SA SABONG
ISANG ARAW SI PEDRO WALANG PAMBAYAD SA ENTRANCE SA SABUNGAN. KAYA
UMISIP SIYA NG PARAAN PARA MAKAPASOK SA SABUNGAN. KASI SA TUPADA O
PINTAKASI KUNG MAY DALA KANG MANOK LIBRE ANG PASOK. KAYA ANG GINAWA NI
PEDRO HUMULI SIYA NG SISIW, SIYA ANG DINALA SA
SABUNGAN.
PAGDATING SA ENTRANCE SINITA SIYA,

GUWARDIYA: BOSS KUNG WALA KAYONG DALANG PANSABONG NA MANOK KAILANGANG
MAGBAYAD HO KAYO NG ENTRANCE.
PEDRO: ABA EH! MAY DALA NAMAN AKONG MANOK HA!
GUWARDIYA: EH!BOSS SISIW PA LANG ANG DALA NINYONG MANOK.
PEDRO: EH! BOSS YONG TATAY MAY LABAN, MANONOOD!!!

NABANGGA ANG KOTSE

Isang Umaga sa Kalye, meron kotseng umaatras:
Driver: "Pare pakitingnan kung mababanga ako"
Taga-Sigaw: "Sige po ser!"
at ilang sandali na lang....

Taga-Sigaw : "KASYA! KASYA! KAAASSSYAAAA!"
... at bigla na lang bumanga yung kotse *blaagag*

Driver : "Nakupo keplos nabanga!"

Taga-Sigaw :"ANO KA BA NAMAN SABI NG ME PUNO NG KASYA EH!!! TRAS KA NG
TRAS!!!"